Big-time LPG price rollback, epektibo ngayong araw

Photo: pna.gov.ph (PTV 4 screengrab)

Ngayong unang araw ng Disyembre ay sinalubong ang mga consumers ng mas mababang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG), sa pamamagitan ng isang big-time rollback.

Matatandaan na limang sunod-sunod na buwan nang mataas ang presyo ng LPG products.

Ayon sa Petron, magpapatupad ito ng P4.75 kabawasan sa bawat kilo ng LPG, at P2.66 kada litro ng AutoLPG na nagsimula na kaninang ala una ng madaling araw. Sumasalamin ito ayon sa kompanya sa international contract price ng LPG para sa Disyembre.

Ang Solane-branded LPG naman ay mababawasan ng P4.37 bawat kilo na epektibo na rin ngayong Miyerkoles.

Ang price rollback ay nagresulta sa P48.07 hanggang P52.25 kabawasan para sa isang regular 11-kilogram LPG tank.

Please follow and like us: