Bilang ng active cases ng Covid-19 sa mga healthcare worker sa bansa mahigit 100 na lang

Bumaba na sa 110 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga medical frontliner sa bansa.

Sa datos ng Department of Health, sa nasabing bilang, 35 ay mild, 27 ay asymptomatic, 19 ang nasa moderate condition, 21 ang severe at 8 ang kritikal.

Sa kabuuan, umabot na sa 28,384 ang bilang ng mga healthcare worker na tinamaan ng virus.

Nakarekober naman na ang 28,163 sa kanila.

Habang ang 111 naman nasawi dahil sa virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: