Bigasan program ng DOLE, inilunsad ng Taguig City

Sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng local government unit (LGU) ng Taguig, ay nailunsad na ang Bigasan project ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Project o ILEEP.

Ayon kay Congresswoman Lani Cayetano, ang panimulang kapital na bigas at timbangan na galing sa DOLE, ay dinagdagan pa ng tulong pinansiyal upang maisa-ayos ang mga aktuwal na tindahan o bigasan.

Pinasalamatan din ni Cayetano ang senior DOLE officers na sina Maryanne Tereza at Christine Buena na siyang nangasiwa sa paglulunsad ng naturang proyekto.

Virnalyn Amado

Please follow and like us: