Nawawalang crew ng lumubog na tugboat sa kasagsagan ng bagyong Jolina, nakita na

Lumutang na sa tabing dagat ang bangkay ng isang crew mula sa lumubog na tugboat sa isla ng Sitio Pitas, sa Brgy. Ipag, Mariveles, Bataan noong Miyerkoles ng gabi, habang kasagsagan ng bagyong Jolina.

Hatak-hatak ng naturang tugboat ang isang barge ngunit nalagot ang lubid sanhi para lumubog ang tugboat at sumadsad naman ang barge sa tabing dagat.

Ayon kay Pol. Maj. Leoncio Alcantara, nakilala ang bangkay na si Peter Bilucura, 40 anyos at residente ng Cebu City.

Kinumpirma rin ni Andie Bilucura na sa kaanak nga nila ang naturang bangkay.

Larry Biscocho

Please follow and like us: