Bigtime oil price hike asahan sa susunod na linggo

Panibagong malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang aasahan ng mga motorista sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Department of Energy- Oil Industry Management Bureau, posibleng pumalo sa P0.90 hanggang P1.20 ang taas presyo sa kada litro ng Gasolina.

P1.20 hanggang P1.40 naman ang asahang magiging dagdag sa kada litro ng Diesel.

Habang ang Kerosene o gaas ay nasa P1.10  hanggang  P1.30 ang posibleng maging pagtaas sa kada litro nito.

Ilalabas ang pinal na price adjustment sa lunes.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *