Bilang ng Healthcare Workers na tinamaan ng Covid-19, mahigit na sa 15,000

Pumalo na sa 15,065 ang kabuuang bilang ng mga Healthcare worker na tinamaan ng Covid-19.

Pero ang magandang balita, batay sa datos ng Department of Health (DOH), 14,739 sa kanila ang nakarekober na mula sa sakit.

Sa ngayon ay nasa 244 na lamang ang bilang ng aktibong kaso sa hanay ng healthcare workers.

Sa bilang na ito, 167 ang mild cases, 54 ang asymptomatic, 10 ang nasa severe condition, 8 ang nasa critical condition, at 5 ang nasa moderate condition.

Mayorya sa mga tinamaan ng Covid-19 ay sa hanay ng mga nurse na sinundan naman ng mga doktor.

May 82 namang nasawi dahil sa virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: