Dalawa, arestado sa drug buy-bust operation sa Quezon City

Dalawang lalaki ang naaresto Quezon City station 4 Drug Enforcement Unit, sa isinagawang drug buy-bust operation sa Quirino Highway, Gulod, Novaliches, Quezon City.

Nagpanggap na posuer buyer ang isa sa mga otoridad, dala ang 500 pisong buy busy money, at 50 pieces na 1 thousand peso bill na boodle Money.

Nakilala ang mga suspek na sina Venlee Alamin alyas Bunso at Oscar dela Cruz Alyas Waldo, na dati na ring may kaso na may kaugnayan sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga.

Nasa watchlist din ito at matagal nang sinusubaybayan ng mga otoridad.

Samantala, tinatayang aabot sa 1,360,000,00 piso ang nasa 200 gramo ng suspected shabu na nakuha sa mga suspek, kasama ang kotseng ginamit ng mga ito sa pakikipagtransaksyon sa mga otoridad.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA9165.

Ulat ni Ian Jasper Ellazar

Please follow and like us: