Bilang ng mga Health worker na nagpositibo sa COVID-19 umabot na sa halos 19,000

Bagamat mataas na porsyento na ng mga Health workers ang nababakunahan kontra Covid-19, patuloy pa ring nadaragdagan ang mga kaso ng virus infection sa kanilang hanay.

Sa datos ng Department of Health, umabot na sa 18,940 ang kabuuang bilang ng mga medical frontliner na nagpositibo sa COVID 19.

Pero ang magandang balita, mataas rin naman ang recovery rate sa sektor na ito.

Sa kabuuan, nasa 18,729 na sa kanila ang nakarekober mula sa sakit.

Nasa 114 naman ang aktibong kaso.

Sa bilang na ito, 62 ang mild, 21 ang asymptomatic, 8 ang nasa moderate condition, 15 ang severe at 8 naman ang kritikal.

Umabot naman na sa 97 sa hanay ng medical frontliners ang nasawi dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: