Bilang ng mga healthcare worker na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 17,305

Umabot na sa 17,305 ang bilang ng mga healthcare worker na nagpositibo sa COVID -19.

Pero sa datos ng Department of Health, bumaba naman sa 254 ang bilang ng aktibong kaso sa kanilang hanay.

Ang 169 rito ay mild, 54 ay asymptomatic, 14 ang nasa severe condition, 8 ang kritikal, at 9 ang nasa moderate condition.

Medical workers prepare to take oropharyngeal swabs from residents during a mass testing for the COVID-19 coronavirus at a park in Quezon City, suburban Manila on April 15, 2020. (Photo by Ted ALJIBE / AFP)

Umabot naman sa 16,963 ang nakarekober mula sa sakit.

Umabot naman sa 88 ang bilang ng mga nasawing health worker.

Pinakamarami sa mga nasawi ay sa hanay ng mga doktor na sinundan ng mga nurse.

Madz Moratillo

Please follow and like us: