PNP nakapagtala ng 240 police personnel na nakarekober mula sa Covid-19

Umabot sa 240 ang mga pulis na nakarekober sa Covid-19.

Dahil dito ayon sa datos ng PNP Health service, sumampa na sa 17,654 ang recovery cases sa kanilang hanay.

Samantala, pumalo naman sa 19,639 ang kabuuang kaso ng virus infection sa PNP kung saan 1,930 rito ay aktibong kaso.

Mayroon ring naitalang 2 bagong namatay dahil sa virus kaya naitala sa 55 ang death toll sa PNP.

Please follow and like us: