Bilang ng mga may kumpirmadong kaso ng Covid 19 sa General Trias City Cavite, pumalo na sa 2,088.

Pumalo na sa 2088 ang bilang ng mga may kumpiramadong kaso ng Covid 19 sa General Trias City Cavite. 


Batay sa datos na inilabas ng City epidemiology surveillance Unit ng General Trias, 1,980 sa mga ito ang nakarekober na sa sakit habang nasa 74 naman ang aktibong kaso ng Covid 19 at nasa 34 naman ang nasawi. 


Nasa 4 baranggay naman sa lungsod ang wala nang naitalang aktibong kaso ng virus, habang 8 barangay naman ang walang naitalang nasawi dahil sa Covid 19. 


Patuloy naman ang paalala ng mga opisyal ng city government ng General Trias Cavite na mahigpit pa rin nilang ipinatutupad sa lungsod ang mga hralth protocol na umiiral kagaya na lamang ng pagsusuot ng facemask at face shield, pagsunod sa social distancing at hindi pa rin pinapayagang lumabas ang mga kabataang may edad 14 pababa at mga matatanda na nasa edad 65 pataas.

Jet Hilario

Please follow and like us: