Bilang ng mga naaaresto dahil sa election gun ban, patuloy na tumataas!

Pumalo na sa 278 na indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang inilatag na mahigit 3,000 COMELEC checkpoint sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, pinakamarami pa rin ang mga sibilyan sa bilang na 265, 3 opisyal ng gobyerno, 2 pulis, 3 mula sa BJMP, 2 security guard, isang miyembro ng coast guard at isang CAFGU.

Karamihan sa mga nasamsam ng PNP sa mga checkpoint ay mga deadly weapons, mga replika ng baril, granada at iba pa.

Ang mga nasangkot ay maaaring humarap sa kasong pagbalabag sa omnibus election code at illegal possession of fire arms.

Please follow and like us: