Bilang ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 bumaba pa sa 7,661

Mas bumaba pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na nasa 7,661.

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,577,298 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 160,297.

May 23,392 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,362,904 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 43 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,097 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 31, at 2 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID 19 Repository System.

Please follow and like us: