Bilang ng mga pasahero sa Batangas port , pumalo na sa 18,000 kada araw

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa mga lalawigan ngayong holiday season

Sa Batangas port, umaabot na sa 18,000 hanggang 20,000 ang mga pasahero kada araw.

Inaasahan pa raw itong madadagdagan mamayang gabi hanggang bukas.

Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Atty. Jay Santiago, pumalo na sa 50,000 ang daily average passengers sa lahat ng pantalan  sa ibat ibang panig ng bansa mula lamang December 18 hanggang kahapon December 22.

Mas mataas ito ng sampumg libo sa mga pasahero na naitala noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Santiago na bukod sa Batangas,  nakapagtala ng mataas na bilang ng pasahero sa Guimaras port, Mindoro, Surigao at Negros Oriental.

Sa ngayon naka heightened alert ang PPA sa lahat ng pantalan.

Aabot sa mahigit tatlong libong port police na ang mga ipinakalat para sa seguridad ng mga pasahero.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *