Bilang ng mga preso sa mga kulungan sa buong bansa, halos 200,000 sa katapusan noong 2021

Nag-komisyon ang Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ng pag-aaral ukol sa jail decongestion sa bansa.

Ang JSCC ay inter-agency body na kinabibilangan ng Korte Suprema, Department of Justice (DOJ), at Department of Interior and Local Government (DILG).

Courtesy: DOJ

Sa talumpati ni Justice Secretary Crispin Remulla sa side event ng UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland, inihayag nito na batay sa nasabing pag-aaral ay umaabot sa halos 200,000 ang mga preso sa lahat ng piitan sa bansa sa pagtatapos ng 2021.

Ayon pa sa kalihim, 70% ng mga bilanggo ay ongoing pa ang paglilitis ng kaso sa korte habang ang 30% ay mga sentensyado na.

Nabatid din na 70% ng kulungan ng BJMP ay overcrowded na may average congestion rate na 387%.

Nasa 310% naman ang congestion rate ng mga kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay dahil nasa 50,000 ang prison population sa mga pasilidad ng BuCor sa katapusan ng Enero ngayong taon kahit 12,000 lang ang kapasidad ng mga ito.

Tiniyak ni Remulla na desidido ang Pamahalaang Marcos na matugunan ang mga problema sa jail system sa pamamagitan ng whole-nation at all government solution sa bawat hakbang ng criminal justice process.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *