Bilang ng naitalang Patient under investigation sa NCov lalo pang tumaas

Lumobo pa sa 313 ang bilang ng naitalang PUI ng DOH kaugnay ng 2019 Novel Coronavirus.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, sa nasabing bilang 262 ang naka-admit, 48 na ang na-discharged pero under strict monitoring, 109 ang nag-negatibo sa virus habang 3 ang nauna ng naiulat na nagpositibo.

May 202 pang nakapending naman at hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri ng Reseearch Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sa nagpapatuloy na contact tracing sa mga nakasalamuha ng 3rd NCov case, 224 o 56% na ang kanilang natukoy, 147 rito ang naka-quarantine habang 8 ang nakitaan ng sintomas.

Habang ang mga nakasalamuha ng Chinese couple na 1st at 2nd NCov case ay natukoy na lahat ng DOH.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: