Bilang ng naiturok na doses ng bakuna kontra Covid 19 sa Maynila mahigit 3 milyon na

Umabot na sa mahigit 3.1 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa Maynila.

Sa datos ng Manila LGU, nasa mahigit 1.6 milyon na ang partially vaccinated sa lungsod habang 1.5 milyon naman ang fully vaccinated.

Ang bilang na ito ay mahigit sa 100% na ng itinakda ng Department of Health na target mabakunahan kontra COVID-19 sa Lungsod.

Umabot naman na sa mahigit 307 libo ang nabigyan na ng booster dose sa Maynila habang may mahigit 112 libong menor de edad na ang fully vaccinated.

Sa datos ng Manila Health Department, hanggang kahapon, may 2,486 active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Madz Moratillo

Please follow and like us: