Bilang ng namatay sa sagupaan ng tropa ng gobyerno at Maute group sa Marawi City umakyat na sa 290

Courtesy of Wikipedia.org
Umakyat na sa dalawandaan siyamnapu (290) ang bilang ng namamatay sa mahigit tatlong linggong sagupaan ng tropa ng gobyerno at Maute group sa Marawi City.
Halos animnapu (60) na ang nalagas sa hanay ng pamahalaan at tinatayang apatnapu (40) ang nasawing sibilyan.
Pinakamarami namang namatay sa panig ng teroristang grupo na isandaan siyamnapu’t isa (191).
Tinatayang isandaan walumpung libong (180,000) residente naman ang apektado kabilang ang mga nagsilikas sa mga karatig Lungsod at Bayan.