Bilang ng nasawi sa Leptospirosis umabot na sa mahigit 200

Umabot na sa 205 ang bilang ng nasawi dahil sa Leptospirosis mula lang noong Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Sa datos ng Department of Health, pinakamarami sa mga namatay ay noong Hulyo na umabot sa 53.

Sa kabuuan umabot na sa 1,467 ang naitalang kaso ng Leptospirosis.

Mas mataas ito ng 15% kumpara sa naitala noong sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 1,278.

19% ng mga kaso ay mula sa NCR, 12% ay sa Region 2 at 6.

Kung pagbabatayan naman ang mga kasong naitala mula July 24 hanggang August 20, 2022 may 106 cases ang naitala.

Ang Regions 5,7,8 at 11 ay naabot na ang alert at epidemic threshold.

Pero ayon sa DOH wala pa namang naitalang clustering ng mga kaso ng Leptospirosis.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: