DOH wala pang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga estudyanteng nasa in person classes

Wala pa umanong naitalang tinamaan ng COVID-19 sa mga nakilahok sa face to face classes.

Ayon kay Department of Health OIC Ma Rosario Vergeire, para magpatuloy ang magandang implementasyon ng in person classes ay patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa Department of Education at Department of Interior and Local Government.

May ilang pagkakataon kasi aniya na nagkakaroon ng crowding pero ito ay mga magulang na sumusundo ng anak.

Patuloy naman ang panawagan ng DOH na matiyak na nasusunod ang minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: