Bilang ng OFW na umuwi sa bansa dahil sa epekto ng Covid-19, umabot na sa mahigit 362,000

Umabot na sa 362,104 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na umuwi sa bansa matapos maapektuhan ng COVID-19 ang kanilang kabuhayan.

Sa datos ng Department of Health (DOH), sa bilang na ito 195,915 ang Land based habang 164,998 naman ang Sea based.

Mayroon din na 1,191 na mula sa Sabah ang dumating sa bansa.

Ang 357,139 naman sa kanila ay nakauwi na sa kani-kanilang pamilya at nakatapos na ng mandatory quarantine. 

Pero sa mga OFW na umuwi, 8,013 ang nagpositibo sa virus.

Ang 4,227 rito ay Land based habang ang 3,786 ay Sea based.

829 ang kasalukuyan pa ring naka-admit habang 7,075 na ang nakarekober.

Lima naman sa kanila ang nasawi dahil sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: