BIR employee at software management company kinasuhan ng BIR dahil sa tampering ng sales machine

Ipinagharap ng reklamong paglabag sa National Internal Revenue Code ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang kawani nito at software management company dahil sa pag-tamper ng sales machines na nag-resulta sa mahigit P6-bilyong revenue loss.

Sinampahan ng reklamong installment of sales suppressing device sa ilalim ng Section 264-B ng Tax Code na sina Chiradee Base, Aldwin Base at Jelson Vargas.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., asawa ng BIR Legazpi City employee na si Aldwin ang may-ari ng Basebyte Software Management and Consultancy Service sa Legazpi City, Albay na si Chiradee.

Sa imbestigasyon ng BIR, nag-sabwatan ang respondents sa pag-manipula sa point -of-sales machines ng apat na kumpanya sa pamamagitan ng pag-install ng software program sa sales machines ng mga establisyimento para dayain ang tunay na benta ng mga ito at makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Sinabi ni Lumagui na tinatayang P6.4 billion ang inisyal na revenue loss dahil sa tampered sales machines.

Bukod sa tax evasion complaint sa tauhan ng BIR, ipaghaharap din ito ang administratibong reklamo.

Isinumite na rin ni Lumagui sa Department of Finance ang dismissal order laban sa empleyado ng BIR.

Inaalam pa ng kawanihan ang iba pang kumpanya na na-serbisyuhan ng respondents na hahabulin din ng BIR.

Binalaan ng BIR chief ang mga kumpanya na huwag gumamit ng mga nasabing software program sa kanilang sales machines dahil may mekanismo sila para malaman ito.

Pinaalalahan din ni Lumagui ang mga empleyado na sangkot sa mga katulad na katiwalian na kakasuhan at aalisin sa serbisyo.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *