BIR, minamadali na ni Pangulong Duterte sa pangongolekta ng tax na gagamitin sa rehabilitasyon ng Marawi City

Ipinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Internal Revenue ang pangongolekta ng tax na gagamitin para sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni BIR Commissioner Caesar Dulay matapos ang pakikipagpulong nito kay Pangulong Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay Dulay, mahalaga ang pagpapabilis sa pagkolekta ng tax para gamitin sa mga hindi inaasahang gastusin na gagamitin sa mga natural disasters at para sa Marawi rebellion.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *