Bivalent vaccine laban sa COVID-19 dumating na, DOH muling ipinanawagan ang pagpapabakuna

Pinayuhang ng Department of Health (DOH) ang mga kwalipikadong populasyon na i-avail ang ikatlong booster jab laban sa COVID-19.

Sa harap ito ng pagdating sa bansa ng 390,000 bivalent vaccine laban sa COVID-19 na dumating sa bansa noong Sabado, June 3, mula sa donasyon ng Lithuania.

Sinabi ni Health Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire na ang donasyong bivalent vaccines ay makakatulong para mapalakas ang COVID-19 response ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon laban sa orihinal na COVID-19 strain na SARS-CoV-2, at Omicron subvariants na BA.4 and BA.5.

“To every eligible Juan and Juana, we urge everyone to get the opportunity to gain longer and stronger protection by getting vaccinated against COVID-19,” pahayag ni Vergeire kasunod nang pagtanggap sa bivalent vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng DOH na noon pang Enero nag-alok ang Lithuanian government para mag-donasyon ng bivalent vaccine sa Pilipinas pero na-delay ang pagdating nito dahil sa logistical at administrative issues.

Ang donated bivalent vaccine ay isinakay sa limang trucks bago ibiniyahe patungo sa cold storage facility sa Parañaque City.

Sinalubong nina Health Assistant Secretary Leonita Gorgolon at mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang donasyong bakuna.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan sa COVAX Facility para makakuha ng karagdagang bivalent vaccine na makapagbibigay ng higit na proteksyon sa mga Filipino laban sa COVID-19.

Sa ilalim ng DOH guidelines para sa pangangasiwa at administrasyon ng donasyong bivalent vaccines, ang mga eligible na tumanggap ng third booster shots ay ang mga healthcare workers (A1) at senior citizens (A2).

Ang mga eligible individuals na maaaring bakunahan ng bivalent vaccines ay ang mga nakatanggap ng second booster shots mula apat hanggang anim na buwan ang nakalipas.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *