Biyahe ng mga bus patungong Quezon at Aurora, sinuspinde ng LTFRB

Sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang biyahe ng mga bus patungong Quezon at Aurora dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon kay Aileen Lizada, tagapagsalita ng LTFRB, suspendido ang mga biyahe ng bus patungo sa dalawang probinsiya batay na rin sa forecast ng PAGASA.

Nauna nang nagbabala ang weather bureau na direktang tatama ang Tropical Depression Maring sa dalawang probinsya.

Ilang lugar na rin sa nabanggit na  probinsya ang  nakakaranas ng mga pagbaha.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *