Biyahe ng MRT muli na namang nagka-aberya; Provisional service, ipinatupad

Ilang minutong nagpatupad ng limitadong operasyon sa biyahe ng Metro Rail Transit o MRT kaninang umaga.

Ayon sa abiso ng MRT, alas 8:11 ng umaga nang ipatupad ang provisional service dahil sa problema sa bahagi ng Boni station Northbound.

Itinaas ang category 4 sa status ng biyahe ng MRT at nilimitahan ang operasyon sa North Ave. station hanggang Shaw Blvd.
station lamang at pabalik.

Alas 8:28 ng umaga ng maibalik sa normal ang biyahe.

Dahil sa ilang minutong aberya, marami nang pasahero ang naperwisyo at humaba ang pila sa mga istasyon ng tren.

Bago ang ipinatupad na provisional service, sinabi ng MRT na alas 7:57 ng umaga ay mayroong tren na nagkaproblema sa bahagi ng Boni station Northbound.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *