Biyahe ng PNR nagka-aberya dahil sa binahang riles

 

Nakansela ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways dahil sa binahang riles sa Paco station.

Ayon sa abiso ng PNR, kinansela ang biyahe ng tren kaninang alas siete ng umaga mula Tutuban patungong Alabang.

Ito ay dahil unpassable  ang riles sa Paco station bunsod ng pagbaha na may lalim na limang pulgada.

Makalipas naman ang mahigit isang oras, agad ding humupa ang baha at naibalik sa normal ang biyahe.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *