Bldg. A entry at exit points ng MRT-3 Shaw Blvd. station, isasara mula March 21-22

Pansamantalang isasara sa publiko ang Shaw Boulevard Station-Building A (EDSA Shangri-La at Starmall entry/exit points)ng MRT-3.

Sa anunsyo ng DOTr-MRT-3, isasara ito mula bukas, Marso 21 (Lunes) hanggang Marso 22, 2022 (Martes) para bigyang-daan ang ilang improvements sa istasyon.

Inaabisuhan ang mga pasahero na gamitin ang Building B (Greenfield at Parklea entry/exit points) upang makapasok at makalabas ng istasyon.

Magiging accessible ang Building B entry at exit points simula 4:00 ng umaga.

Narito ang imahe na ipinost ng MRT-3 sa kanilang Facebook page bilang gabay sa mga pasahero sa entry at exit points sa Building B ng Shaw Boulevard Station para sa Lunes at Martes.

photo: DOTr-MRT3
Please follow and like us: