BOC , bigo na maabot ang target na koleksyon para sa unang anim na buwan ng 2017

Bigo ang Bureau of Customs na maabot ang target na koleksyon para sa unang anim na buwan ng 2017.

Ayon sa BOC-Finance Service, ang target nila na makolektang buwis para sa unang semestre ng taon ay 217.96 billion pesos.

Ngunit nakapagtala lamang ang BOC ng 212.16 billion pesos o 97.4 percent ng target na koleksyon.

Pero binigyang diin ng BOC na mas mataas pa rin ang nasabing koleksyon ng 11.3 percent mula sa 190 billion pesos na nalikom sa kaparehong panahon noong 2016.

Plano naman ng kawanihan na dagdagan ang kanilang mga empleyado, paghusayin ang kanilang IT system, gawing moderno ang kanilang pasilidad at operasyon at maghigpit sa border security para mapataas ang koleksyon.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *