BSP magiging patas sa ipapataw na parusa sa BPI

bpi

Courtesy of Wikipedia.org

Tiniyak ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na magiging patas at makatarungan ang kanilang ipapataw na parusa sa BPI o Bank of the Philippine Islands.

Ito’y sakaling mapatunayan sa isinagawa nilang imbestigasyon na may pananagutan ang nasabing bangko sa nangyaring systems data error nito noong isang linggo.

Ayon kay incoming BSP Governor Nestor Espenilla Jr., hindi muna nila sinimulan agad ang kanilang imbestigasyon para bigyang daan ang BPI na maisaayos ang anumang gusot sa kanilang mga kliyente.

Una nang inihayag ng BPI na gumagana na ang lahat ng kanilang electronic banking channels noon pang Biyernes ngunit umapela ito ng pang-unawa dahil sa may kabagalan pa rin ito.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *