BuCor Chief Catapang pinatitiyak na tuluy-tuloy ang suplay ng tubig sa PDLs

Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang lahat ng mga opisyal ng prisons at penal farms ng kawanihan na siguraduhin na may tuluy-tuloy na suplay ng tubig ang mga inmate para maiwasan ang dehydration ngayong tag-init.

Ipinag-utos din ni Catapang sa mga opisyal ng New Bilibid Prison Hospital na mag-ikot sa mga kulungan para mabantayan ang lagay ng persons deprived of liberty (PDLs).

Sa ulat naman ni NBP Hospital Acting Director for Health and Welfare Services Chief Ma. Cecilia Villanueva kay Catapang, sinabi na nag-isyu na ito ng health advisory sa lahat ng mga pamunuan ng penal colonies na ipatupad ang mga health program, serbisyo at mga probisyon ng mga gamot para maiwasan ang mga sakit sa PDLs at bantayan ang mga sintomas ng mga sakit na pangkaraniwan na kapag tag-init.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *