Budget Secretary Benjamin Diokno, tutugon sa show cause order ng Kamara

Handang tumugon si Budget Secretary Benjamin Diokno sa show cause order ng House Committee on Appropriations laban sa kanya.

Layunin ng show cause na padaluhin siya sa susunod na pagdinig ng Komite at pagpaliwanagin siya kung bakit hindi siya dapat i-contempt dahil sa kanyang hindi pagsipot sa mga nakaraang hearings patungkol sa mga umano’y anomalya sa National Budget.

Ayon kay Diokno, hindi pa niya natatanggap ang nasabing show cause order pero tinitiyak niya na tutugon naman siya dito.

Tumanggi naman linawin ni Diokno kung ibig sabihin nito ay sisipot na siya sa susunod na pagdinig.

Bagaman Malacañang ang nag-abiso kay Diokno na hindi dumalo sa mga pagdinig sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bahala na raw si Diokno na tumugon sa show cause.

Kung kinakailangan naman daw niya ng payo mula kay Pangulong Duterte ay maaari niyang isangguni ito sa kanilang susunod na cabinet meeting.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *