Bulacan, Apayao at Capiz, isinailalim na sa GCQ simula Oct. 18-31

Inilagay na sa mas maluwag na restriskyon ang mga lalawigan ng Bulacan, Apayao at Capiz.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, simula ngayong Oktubre 18 hanggang 31, 2021 ay nasa General Community Quarantine (GCQ) na ang mga nasabing probinsiya.

Ito ay batay sa approval ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ang Bulacan at Apayao ay dating nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) habang ang Capiz naman ay nasa GCQ with heightened restrictions.

Please follow and like us: