Presyo ng gasolina, nagbabadya na namang tumaas

Sa ika-walong magkakasunod na linggo, inaasahang magpapatupad na naman ng panibagong big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Sa price projection ng Unioil Petroleum Philippines, maaaring tumaas ng P1.40 hanggang P1.50 ang presyo sa kada litro ng diesel at P1.80 hanggang P.1.90 naman ang kada litro ng gasolina.

Noong Martes lamang, October 12, ay nagpatupad ng P1.30 pagtaas sa kada litro ng gasolina ang oil companies habang nasa P1.40 hanggang P1.50 naman ang itinaas sa kada litro ng diesel.

Please follow and like us: