Bureau of Immigration ibinasura ang apela ni Patricia Fox kaugnay sa Deportation order laban dito

Ibinasura ng Bureau of Immigration ang Motion for Reconsideration ng Australyanong madre na si Patricia Fox kaugnay sa deportation order laban dito.

Kinumpirma ni Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas na nadesisyunan nila ang apela ni Fox noong August 24.

Pero ayon kay Mariñas, maari pang iakyat ng banyaga ang kanyang apela sa DOJ.

Sa September 5 nakatakdang magpaso ang missionary visa ni Fox.

Ang deportation order laban kay Fox ay nag-ugat sa pagsali nito sa mga political rally sa bansa na ipinagbabawal ng batas para sa mga dayuhang nasa Pilipinas.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *