Burol ng napatay na Prosecutor na si Atty. Tanyag, nananatiling pribado

 

Nananatiling pribado sa media ang burol ng napatay na Prosecutor nitong kamakailan na si Atty. Madonna Joy Tanyag.

Kagabi bumisita si PNP  Chief Oscar Albayalde gayundin si NCRPO Chief  Guillermo Eleazar sa burol at pamilya ng Prosecutor kasama ang ilan pang opisyal ng PNP upang makiramay.

Ayon kay Albayalde nagpapasalamat ang pamilya sa PNP dahil sa mabilis na naging aksyon nito para mapabilis ang pagtugis sa suspect sa pananaksak sa Prosecutor.

Dagdag pa ni Albayalde wala naman anilang ibang hiniling ang pamilya ng prosecutor para sa mas mabilis pang ikadidiin ng suspect sa pagpatay sa Prosecutor.

Kung mayroon pa anila silang makikitang iba pang motibo bukod sa robbery ay kaagad nilang isasagawa ang nararapat na aksyon.

Kaugnay ng nangyaring sa prosecutor ay inaayos na anila ng PNP ang lahat ng permit to carry fire arms at iba pang mga permit para makapag dala ng baril ang isang prosecutor at maprotektahan din ang kanilang sarili sa anumang maaring banta sa kanilang buhay.

 

 Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *