Bus augmentation sched para sa March 28, 30, 31, inanunsiyo ng PNR

Photo: eaglenews.ph

Inanunsiyo ng Philippine National Railways (PNR), ang schedule ng kanilang bus augmentation para sa Alabang-Tutuban route para sa March 28, 30 at 31.

Sinabi ng PNR, na sa nabanggit na mga araw, ang unang biyahe ng bus ay aalis sa alabang ng ala-5:30 ng umaga habang ang unang bus naman mula sa Tutuban ay aalis ng ala-7:00 ng umaga.

Ang huling Alabang-Tutuban trip ay alas-7:00 ng gabi habang ang huling Tutuban-Alabang trip ay aalis ng alas-9:00 ng gabi.

Magkakaroon ng isang oras na interval sa pagitan ng mga biyahe sa nasabing mga araw.

Walang schedule ng biyahe ng bus sa Biyernes, March 29, sa halip ay magre-resume ang mga biyahe sa March 31.

Samantala, simula naman sa April 1, ay magkakaroon na ng 30-minutong interval sa pagitan ng mga biyahe ng PNR.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *