Business-One-Stop-Shop (B.O.S.S.), dinumog ng mga negosyante sa Diffun

Sa pagpasok pa lamang ng unang araw ng taon ay pinasimulan na ng Business Permits & Licensing Office sa bayan ng Diffun sa lalawigan ng Quirino, ang Business-One-Stop-Shop (B.O.S.S) at ito ay dinumog ng mga negosyante sa naturang bayan.

Sa pamamagitan ng naturang programa, ay mapapadali ang pagproseso ng business permits dahil naroon na ang lahat ng mga ahensiyang may kinalaman sa pag-apply para sa bagong negosyo o maging ang pag-a-apply para sa renewal tulad ng BFP, RHU, DTI, Barangay Office, SSS, at DOLE.

Magtatagal ang B.O.S.S. hanggang Enero 20 ng taong kasalukuyan.

Ulat ni Edel Allas

Please follow and like us: