Byahe ng mga bus pa- Mindoro, Iloilo City at Masbate sa PITX na unang kinansela dahil sa Aghon, tuloy na ngayong araw

Balik na ang biyahe ng ilang bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Lunes, na una nang kinansela dahil sa Bagyong Aghon.

Ayon sa PITX, partikular na nag-resume ang mga biyahe ng ilang bus papuntang Mindoro, Masbate at Iloilo City na unang nag-anunsiyo ng suspensyon.

Wala namang mahabang pila ng mga pasahero kaninang umaga sa mga biyahe sa nasabing lugar.

Ayon sa ticket teller na si Joel, “Kahapon lang na-cancel ang trip namin gawa ng bagyo kaya lahat ng trip is cancelles, so sa ngayon ok na uli diri-diresto na uli biyahe, wala nang problema.”

May mga biyahe na rin muli papuntang Quezon mula sa PITX matapos na bumuti ang panahon ngayong Lunes.

Suspendido ang mga byahe kahapon dahil sa sobrang lakas ng ulan at may mga nagtumbahang puno.

Sinabi naman ng isa pang ticket seller na si Jobelle, “As of now wala pong cancelled trip, but still monitoring sa operations po. Ok na rin po flow ng traffic po.”

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *