CA, CTA at Sandiganbayan, pisikal na magbubukas simula sa Peb.16

Muling pisikal na magbubukas sa court users ang Court of Appeals, Court of Tax Appeals, at Sandiganbayan simula sa Miyerkules, Pebrero 16 sa harap ng pagkaunti ng kaso ng COVID-19.

Sa magkakahiwalay na kautusan, sinabi na ang lahat din ng mga pagdinig at raffle ng kaso sa mga nasabing korte ay in-court na isasagawa.

Ang videconferencing hearings ay papayagan na lamang sa ilang exceptional na kaso.

Gaya ng Korte Suprema, tinaasan din ang operational capacity ng mga tanggapan sa appellate collegiate courts sa 80%.

Patuloy na ipatutupad ang minimum health protocols sa mga nasabing hukuman at pagmonitor sa lagay ng kalusugan ng mga empleyado on-site bilang pagiingat sa COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: