Mga batang nasa edad 5 – 11 yrs old na nabakunahan na kontra Covid-19 umabot na sa mahigit 100,000

Umabot na sa mahigit 148,000 ang bilang ng mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa bilang na ito, ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, 8 lamang ang nakitaan ng mild adverse reaction.

Karaniwan sa kanilang naramdaman ay pananakit sa injection site, rashes, bahagyang pagtaas ng blood pressure, lagnat, pangangati ng lalamunan at pagsusuka.

Agad naman aniyang na-manage ang mga ito.

Muli namang nagpaalala si Vergeire sa mga magulang na huwag matakot dahil normal lamang itong reaksyon sa bakuna.

May mga health worker din naman aniya sa mga vaccination site na handang tumugon sa mga emergency.

Nasa 15.6 milyong 5 to 11 yrs old ang target mabakunahan ng gobyerno kontra COVID-19.

Para naman sa mga nasa edad 12 to 17 yrs old, nasa 9.3 milyon na aniya ang nabakunahan at ni isa rito ay walang nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: