CA rules, inamyendahan sa inaasahang pagsalang nina Yasay at Lopez

Bago ang pagsalang sa makapangyarihang Commission on Appointments ng dalawa sa kontrobersyal na miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte, pinagtibay ng komisyon ang mga bago nitong patakaran.

Kabilang na ang rules na pinapayagan ang secret voting para paboran o mapatalsik ang isang presidential appointee.

Sa pamamagitan ng bagong rules, maari nang pairalin ng mga miyembro ng CA ang kaniyang conscience vote sa halip na magpadala sa lobby o pressure ng isang opisyal.

“Mas ma-e-exercise ng members ng CA ‘yung kanyang conscience vote, yung kanyang option. Imbis na nagsu-succumb sa lobbying, nagsu-succumb sa mga pressure, ito hindi. Sarili niya talaga. Sariling desisyon kung dapat i-confirm or i-reject ang isang nominee”.- Sen. Sotto

Maari naman ihayag sa publiko ng sinumang miyembro ang resulta ng kaniyang boto.

Pero ang secret voting ay tulad ng isang executive session na maari lang isapubliko ang boto kung aaprubahan ng two thirds na miyembro.

Bukod sa secret voting, inamyendahan na rin ng CA ang three strike rule.

Sa ilalim ng ganitong sistema, hindi na maaring ire-appoint ng Pangulo ang sinumang miyembro ng gabinete na tatlong beses na maba-bypass ng komite.

“pagka 3 bypass na ang essence ng rule force the hand of the committee to decide reject na final word of the ca theoretically the pres can reappoint rejected nominee but with the same result so why will the president do it”. – Senate President Aquilino Pimentel

Ayaw na nilang maulit ang kalakaran sa nakaraang administrasyon na kahit ilang beses nang na-bypass, nananatili pa rin sa pwesto ang mga miyembro ng gabinete.

Inaprubahan ang rules sa harap ng inaasahang pagsalang ngayong araw nina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay at Environment Secretary Gina Lopez.

Kapwa sinabi nina Pimentel at Sotto na namimiligro si Yasay dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling pero bibigyan pa ito ng pagkakataon na makapagpaliwanag.

Bago ang pagsalang sa makapangyarihang Commission on Appointment ng dalawa sa kontrobersyal na miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte, pinagtibay ng komisyon ang mga bago nitong patakaran.

Kabilang na ang rules kung saan pinapayagan ang secret voting para paboran o mapatalsik ang isang presidential appointee.

Sa pamamagitan ng bagong rules, maari nang pairalin ng mga miyembro ng CA ang kaniyang conscience vote sa halip na magpadala sa looby o pressure ng isang opisyal.

“Mas ma-e-exercise ng members ng CA ‘yung kanyang conscience vote,

yung kanyang option. Imbis na nagsu-succumb sa lobbying, nagsu-succumb

sa mga pressure, ito hindi. Sarili niya talaga. Sariling desisyon kung

dapat i-confirm or i-reject ang isang nominee”.- Sen. Sotto

Maari naman ihayag sa publiko ng sinumang miyembro ang resulta ng kaniyang boto.pero ang secret voting ay tulad ng isang executive session na maarilang isaubpiko ang boto kung aaprubahan ng two thirds na miyembro.

 

 

 

Bukod sa secret voting, inamyendahan na rin ng c-a ang three strike rule.

Sa ilalim ng ganitong sistema, hindi na maaring ire-appoint ng Pangulo

ang sinumang miyembro ng gabinete na tatlong beses na maba-bypass ng

komite.

“pagka 3 bypass na ang essence ng rule force the hand of the committee to decide

reject na final word of the ca theoretically the pres can reappoint

rejected nominee but with the same result so why will the president do

it”. – Senate President Aquilino Pimentel

Ayaw na nilang maulit ang kalakaran sa nakaraang administrasyon na kahit ilang beses na bypass, nananatili pa rin sa pwesto ang mga miyembro ng gabinete.

Inaprubahan ang rules sa harap ng inaasahang pagsalang ngayong araw nina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Environment Secretary Gina Lopez at Health Sec. Pauline Ubial.

Sa kabila ito ng apela ni  Lopez na maipagpaliban sa Mayo ang kaniyang confirmation hearing dahil aalis ito ng bansa.

Kapwa naman sinabi nina Pimentel at Sotto na namimiligro si Yasay dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling pero bibigyan pa ito ng pagkakataon na makapagpaliwanag.

Ulat ni : Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.