CAB, nagpaalala sa karapatan ng mga pasahero

Sakaling magkaroon ng pagkaantala ng kanilang flight, ipinaalala ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang karapatan ng mga pasahero.

Sinabi ni Atty. Wyrlou Samudio, Chief ng Legal Division ng CAB, na dapat sundin ng Airline companies ang karapatan ng kanilang pasahero sakaling magkaroon ng pagkakaantala ng kanilang flights.

Ilan sa mga karapatan ng pasahero ay dapat bigyan sila ng makakain habang nag-hihintay ng paglipad ng kanilang flight.

Maari din humiling ng libreng tawag ang mga pasahero at karapatan din nilang magpalipat ng flight o magpa-rebook ng ibang mga flight.

Pahayag ito ng CAB sa posibleng pagkakaroon ng mga delayed flight ngayong dagsa ng mga pasahero sa mga paliparan dahil sa long holiday.

Please follow and like us: