Cabin ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3 hindi pa rin mapasok ng BFP

Narecover man ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang 18 sunog na bangkay sa itaas ng nasunog na barko, subalit Hindi pa rin napasok ang Cabin area dahil sa mainit pa rin ang lugar.

Ito ang kinumpirma ni SFO1 Jowie Jacinto, kinatawan ng BFP sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) na naka base sa Lamitan City,Basilan.

Sinabi ni Jacinto na may mga usok pa rin at apoy sa loob ang bahagi ng cabin ng nasunog na barko, kaya delikado pa rin na pasukin ng mga imbestigador.

Bagaman hinihintay pa nila ang pamunuan ng Aleson Shipping Lines na magpadala ng mga kinatawan na susuri at aapula sa apoy sa loob ng Cabin area ng barko, tuloy pa rin kanina ang kanilang trabaho.

Nais ng BFP sa BARMM Region na mapadali ang resulta sa imbistigasyon, para po na ang responsable sa aksidente.

Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *