CALABARZON nakapagtala ng 437 bagong COVID cases; Higit 800, nakarekober

Mahigit 400 kaso ng Covid-19 ang nadagdag sa CALABARZON.

Sa pinakahuling bulletin ng DOH Center for Health Development IV- CALABARZON, sinabi na 437 na bagong Covid case ang naitala sa rehiyon.

Dahil dito, aabot na sa 41,746 ang kumpirmadong kaso ng Covid sa CALABARZON.

Gayunman, karagdagang 830 pasyente ang naitalang bagong gumaling mula sa sakit kaya halos 24,000 na ang recoveries sa rehiyon.

Kaugnay nito, kabuuang 16,835 na lang ang aktibong kaso ng sakit sa CALABARZON.

Ang Laguna ang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng Covid na halos 13,000 at sumunod ang Cavite na may mahigit 11,000.

Moira Encina

Please follow and like us: