Campaign jingle hindi batayan ng mga botante – Political analyst

Hindi na raw madadala sa pagsayaw sayaw, pagkanta at iba pang campaign jingle ng mga kandidato para makuha ang oo ng mga botante.

Ayon sa Political analyst na si Mon Casiple, hindi na campaign jingle ang batayan ngayon ng mga botante.

Mas importante aniya ngayon sa mga botante ang solusyon ng mga kandidato kung paano babangon sa pandemya at naging epekto nito sa ekonomiya.

Araw raw pinoproblema ng mga botante ang pagkain, pambayad sa iba pang bayarin at kung paano gagaan ang buhay at ito ang inaabangan nila kung paano sosolusyunan ng mga kandidato.

Dahil lahat aniya ng aktibidad ng mga tumatakbo nakikita sa tv, radyo at social media, madali na rin nilang nakikilatis kung sino ang mga papaborang kandidato.

Hindi na raw importante ngayon ang name recall kundi kung paano sila kumilos at magtrabaho para iangat ang buhay ng mga pilipino.

Meanne Corvera

Please follow and like us: