Naitalang COVID-19 sa bansa ngayong araw, bumaba sa 1,427

 Bahagyang bumaba sa 1,427 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, ayon sa DOH, umabot na sa 3, 653,526 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 58,657.

May 3,269 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3, 539,106 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 79 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,763 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 .

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 19, at 5 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: