Captain Nicanor Faeldon, ikukulong sa Senado

Ikukulong muna sa Senado si Captain Nicanor Faeldon.

Hindi ito nakumbinse ni Senador Richard Gordon na dumalo sa hearing kahit nasa Senate premises na ito para magpaliwanag sa pagkakapuslit ng 6.4 billion shabu.

Personal na pinuntahan ni Gordon si Faeldon sa tanggapan ng Senate Sgt at Arms at nakipag usap na tumagal ng 30 minuto.

Ayon kay Gordon, inirerespeto niya ang desisyon ni Faeldon pero wala siyang magagawa kundi isailalim ito sa detention maliban na lamang kung makikipagtulungan at magsasalita sa mga nalalaman.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *