Cavite City Hall, pansamantalang isinara sa publiko dahil sa pagdami ng aktibong kaso ng Covid 19 sa kanilang mga empleyado.

Pansamantala munang isinara sa publiko ang Cavite City Hall, dahil sa pagdami ng mga empleyado nitong nagpositibo sa COVID-19.

Bahagi na rin ito ng safety precaution ng kanilang lokal na pamahalaan para hindi na dumami at kumalat pa ang virus sa hanay ng kanilang mga kawani.

Ang anumang transaksyon sa munisipyo ay ililipat muna sa City Administrator’s Office ng City Hall.

Wala pa namang inilabas na petsa ang pamunuan ng City Hall kung kailan muli ito bubuksan sa publiko.

Nagpaalala naman ang mga opisyal sa kanilang mamamayan na sumunod ang lahat sa mga health protocols upang maging ligtas sa nakahahawang sakit na dulot ng Covid 19.

Please follow and like us: