Libreng Tuli, ilulunsad ng Cavite Provincial Government sa buong lalawigan.

Magsasagawa ng free circumcision o tuli ang mga opisyal ng Cavite Provincial Gov’t. para sa mga kabataan sa buong lalawigan.


Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, kakausapin umano niya ang mga alkalde sa lalawigan upang mag-organisa ng ganitong aktibidad na hindi makokompromiso at hindi malalabag ang umiiral na health protocols dahil sa banta ng Covid 19. 


Kakausapin na rin ng gobernador ang mga alkalde para makapaglunsad na ng libreng tuli para sa mga bata at kabataan na may edad 18 pababa.


Sinabi pa ng gobernador na kailangan na rin aniyang makapagsagawa ng free circumcision dahil sa mga nakaraan ay hindi ito natuloy dahil sa pandemiya dulot ng Covid 19.

Please follow and like us: